Buhay OZ

Limang taon. Matagal na rin pala pero parang kailan lang. I can still remember the first time I set foot in Australia. It feels like yesterday. Ang bilis talaga ng panahon. Tumatanda na tayo (isama na din kita, damay damay na). Tulad ng libu-libong migrante sa bansang ito, madami dami na din akong nadiskubre sa uri ng pamumuhay dito. May nakakatuwa, nakakainis, nakaka-shock at kung anu ano pa. Pero kahit ano pa man, I have come to love this place that we now call home (naks).

Heto ang ilan sa mga na observe ko that I wanted to share with you. Dahil limang taon, lima lang din. Pasensya na slow learner, isa lang talaga kada taon ang learning capacity. Tsaka mahirap mag-isip. I-blog ko na lang next year pag may idadagdag pa.

WEEKEND

They are big on weekends. Sa office, ang tanong sa ‘yo every Friday ay: “What’s the plan for the weekend?” Minsan wala naman talaga akong plan kundi kumain at matulog. Pero actually nakakahiya din naman kung panay ganun ang sagot. Kaya Thursday pa lang nag re-ready na rin ako ng iba’t ibang sagot na ganun din naman ang meaning – “Oh, just a quiet weekend for us” o kaya “Just the usual household stuff” pasado na din diba? Tapos pagdating naman ng Monday, weekend pa din ang topic: “How was your weekend?”.  Grabe, hindi maka move on. Ok din dahil nakakakuha ako ng idea kung anong pwedeng ganap pag weekends.

OUTDOORS

Maraming outdoor activities dito. Parang they are so used to spending time outside and being active. They start young kasi you will see kids playing soccer every weekend while their parents cheer them on. Pwede ka mag bike kasi may mga dedicated bike lanes, maraming walking trails at mga park. Magaganda ang mga beach that you can visit during summer. Maybe this is also why everyone looks forward to the weekend. There are plenty of things to do and you don’t have to spend a fortune to enjoy them. Halos lahat nga libre. So yes, madami na din actually ako naisasagot sa tuwing matatanong ng golden question na “what’s the plan for the weekend?”.

ABBREVIATIONS

Nung first month ko sa work, may email yung amo ko, may cinirculate kasi na card para sa isang intern na aalis. Sabi “Can you please return the card to me this arvo?” Ha? Anu daw? Anong arvo? Buti na lang laging to the rescue si google. Afternoon pala yun! Ikaw ma ge-gets mo yun? Hindi ko matanggap na yun ang shortcut for afternoon, bakit hindi aftie?

Ang daming abbreviation dito: brollie for umbrella, macca’s ang tawag dito sa McDo, devo for devastated. May nag greet pa sa amin before: Merry Chrissie! (for Merry Christmas).  OMG.

May mga terms din sila na iba sa American words.  They call gas as petrol, running shoes as joggers, candies ay lollies. Nag order ako nung first week ko sa work ng “fries”. Ayun, binigyan ako ng rice. My face must have looked so confused kaya tinanong ako if that was what I wanted. So I said, actually I wanted that – sabay turo sa fries. Sabi sa akin “Oh, you wanted CHIPS!”

FRUITS AND VEGGIES

Dahil dugong Pinoy, one time nagbaon ako ng kanin at itlog for breakfast. Someone saw me and asked, “Rice for breakfast???” with matching nanlalaking mata.  Sabi ko “I’m Asian, I even eat rice for snack and dessert”.  In fact hindi ako choosy, I can eat anything, mag ingat ka baka kainin din kita –  pero hindi ko na yan sinabi baka matanggal ako sa work.

Sila kasi nakakabilib, mahilig talaga sa fruits and veggies (ang karamihan). Yun ang lagi nilang kinakain. Sa office may free fruits every Monday and Wednesday for all employees. Sa grocery nga may fruit basket, kids can get for free while the parents do their shopping. Sa food court there is also an abundance of healthy food options. So bakit panay pa rin ang rice ko? Bakit, healthy din naman yun ah! Tsaka basahin mo yung next section.

WAPAKELS

Actually, in general wala talagang paki alamanan dito. Gawin mo kung anong gusto mo kinda thing, (yah know)? This is one of what I love most, as in to the highest level ang appreciation ko sa “wapakels attitude” ng mga tao dito. Nakakapag 2 piece ng hindi na ja judge. Pata here, pata there, pata everywhere! Nakakapag suot ng kahit anong trip mo without the apprehension na pansinin ka for it. Neighbors don’t go shouting ‘san ang punta mo???’ when you step outside the house. They respect your privacy and expect you of course to do the same for them.

Pero hindi pa din ako fully ‘aussified’ sa larangan ng wapakels. Na sha shock pa din kasi ako pag nakakakita ako ng mga nag hahalikan in broad daylight.  Napapa second look pa rin ako kahit pilit kong iniisip na that’s sooooo normal! Naiinggit kasi ako, gagawin nga rin namin yan (chos!).  Hindi lang ata talaga ako sanay. Let’s see, baka after 5 more years I will be a 101% wapakels girl.

And that’s it. Don’t know what else is in store for us, but I think there will be heaps (mahilig sila sa heaps heaps dito kaya nakiki heaps na din kami) more to learn 😊

See you until next blog!

4 Comments

  1. ritz

    Thank you po for visiting the site 🙂
    Wow, island life sounds exciting! I just finished watching season 2 ng Australian survivor, sa Samoa ang location hehe. I wonder if that’s the same as where you live.

  2. Apple Rae

    Love this post! Super entertaining! Yung sister ko din sa Sydney nakatira and when I visited last March, dami ko din natutunan. Yang lollies at chips pati weekend lol. Lahat ng sinabi mo on point! ♥️ happy 5 years! 😍

    1. Ritz

      Thanks Apple ♥️
      Hahaha, I’m happy you enjoyed reading it. I hope you had a great time here in Sydney. March is a nice time to visit. Pagbalik mo dito madami ka ulit nyan mapupuntahan at matutunan. Cheers mate! Haha! 😊

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s